Ipagpapatuloy ng North Korea ang kanilang mga missile test sa kabila ng bantang giyera ng Estados Unidos.
Ayon kay North Korean Vice Foreign Minister Han Song-Ryol, linggu-linggo, kada buwan at taon sila magsasagawa ng missile test.
Maaari lamang anyang sumiklab ang “all-out war” kung maglulunsad ang Amerika ng military action.
Una ng ibinabala ni US Vice-President Mike Pence na maaaring maubos ang pasensya ni President Donald Trump sa NoKor kung magpupumilit ito na magpakawala ng mga inter-continental ballistic missile.
Samantala, nasa paligid na ng Korean Peninsula o nasa bahagi na ng East China Sea ang ipinadalang naval strike group ng Amerika.
By Drew Nacino
Mga missile test ng North Korea tuloy was last modified: April 18th, 2017 by DWIZ 882