139 na miyembro ng Abu Sayyaf ang sumuko at makatatanggap ng livelihood assistance mula sa gobyerno.
Sa ilalim ng “Program Against Violence and Extremism” o pave ng autonomous region in Muslim Mindanao, matatanggap ng mga dating terorista ang nasabing tulong sa pamamagitan ng skills training courses ng Technical Education Skills and Development Authority (TESDA).
Ayon kay Omar Khayam Dalagan, Executive Director ng TESDA-ARMM, naglaan na sila ng 20,000 Pesos sa bawat sumukong asg member kabilang ang allowances at tool kits.
Layunin ng naturang programa na palaganapin ang kapayapaan sa buong Mindanao.