Sumuko sa mga otoridad kasama ng kanilang mga baril ang tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group.
Kinilala ni Brigadier General Cirilito Sobejana, pinuno ng Joint Task Force Sulu ang mga sumuko na sina Ajimad Musnali, Nanah Amdad Tunggal at Hasiri Sabirin kasabay ang pagsuko nila ng kani kanilang caliber 30 M1 spring field.
Sinabi ni Sobejana na sumuko ang mga nasabing bandido dahil sa leadership Vacuuam matapos mapatay sa isang shootout sa Parang, Sulu ang lider nilang si Alhabsy Misaya
Ang mga naturang Abu members ay sumailalim sa custodial debriefing sa Camp Heneral Teodolfo Bautista sa Busbus sa Jolo, Sulu.