Pinigilan umano ng mga senior members ng Aegis Juris Fraternity ang kanilang mga ka-brod na na magsalita kaugnay ng pagkamatay ni Horacio Castillo the Third.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, nanggaling ang naturang impormasyon mula sa isang ni – recruit ng fraternity pero hindi piniling sumali.
Ani Aguirre, personal na nakipagkita sa kanya ang nasabing recruit at ikinuwento nito ang ibinahaging impormasyon sa kanya ng isang miyembro na naruon ng maganap ang initiation rites kay Castillo.
Kaugnay nito, sinabi ni Aguirre na ang nasabing fraternity member ay nakikipag-ugnayan na sa DOJ sa pamamagitan ng text messages.
Nanawagan naman si Aguirre sa iba pang miyembro ng fraternity na lumutang at linisin ang kanilang pangalan tulad ng ginawa ni John Paul Solano.
SMW: RPE