Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng ASEAN Law Association o ALA na maging instrumento sa pagresolba ng laganap na kahirapan, kriminalidad at terorismo sa buong rehiyon.
Sa ginanap na Special Commemorative Session ng governing council ng ALA sa malakanyang, inihayag ni Pangulong Duterte na kailangang magkaisa ang lahat ng ASEAN lawyers upang lumikha ng matatag at aktibong komunidad.
Naniniwala ang Pangulo na sa sandaling matugunan ang mga naturang problema ay magreresulta ito sa maunlad na kalakalan at mapayapang komunidad.
Ang ALA ang tanging non-governmental law organization na kinikilala ng ASEAN Charter na may mandatong tulungan ang ASEAN Economic Community o AEC.