Isa’t kalahating oras nakipagpulong ang 12 miyembro ng European Union kay Senator Leila de Lima sa loob ng P.N.P.-Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.
Ayon kay E.U. Parliamentarian Soraya Post, kabilang sa napag usapan ang issue ng human rights sa Pilipinas at ang kanilang pag-aalala sa kaso ng senadora.
Walang reklamo at maayos naman anya ang kondisyon ni De Lima pero gusto na umano nitong umuwi at bumalik sa trabaho.
Apat sa 12 delegasyon ay mga parliamentarian na miyembro ng EU Sub-Committee on Human Rights.
By: Drew Nacino / Jonathan Andal
Mga miyembro ng EU dumalaw kay Sen. De Lima sa PNP Custodial Center was last modified: July 20th, 2017 by DWIZ 882