Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang ipapaaresto ang mga miyembro ng International Criminal Court o ICC na patuloy na mag-iimbestiga sa anti-illegal drugs campaign ng gobyerno.
Ayon sa Pangulo, hindi maaaring mag-imbestiga ang naturang mga indibiduwal nang walang basehan.
Nanindigan ang Pangulo na maituturing itong iligal kaya’t hindi siya magdadalawan- isip na ipaaresto ang mga miyembro ng ICC.
“If there’s no publication, it’s as if there’s no law at all.”
“Ikaw Ms. Fatou (Bensouda), ‘wag kang pumunta dito because I will bar you, not because I am afraid of you, I said because you will never have jurisdiction over my person. Not in a million years.”
“You can’t exercise any proceedings here without basis. That is illegal and I will arrest you.” Pahayag ng Pangulong Duterte
—-