Nagkatensyon sa pagitan ng mga miyembro ng grupong KADAMAY, sa ibinigay na pabahay sa kanila ng Pangulong Rodrigo Duterte, sa Pandi, Bulacan.
Ito ay matapos pigilan ng mga miyembrong umuukupa na sa mga pabahay, ang pagpasok ng iba pang nagpakilalang miyembro rin ng KADAMAY na nais magpalista sa mga kawani ng NHA O National Housing Administration.
Iginiit ng mga nauna nang umukopa sa mga pabahay na hindi sila kakausapin ng nha kung wala naman silang maipakitang id na nagpapatunay na miyembro sila ng KADAMAY.
Samantala, naghigpit na rin ng seguridad ang mga residente ng La Solidaridad Estate Homes, isa pang pabahay ng pamahalaan para sa mga sundalo at pulis sa Rodriguez, Rizal.
Sinabi ni La Solidaridad Homeowners’ Association Public Relations Officer SPO1 Vicente Balisi Jr, na ito ay para mapigilan ang posibleng pagtarget na rin sa kanilang lugar ng mga miyembro ng KADAMAY.
By: Katrina Valle