Nasa 5000 mahirap na nagmula sa urban poor group na Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay ang sumugod sa Pandi, Bulacan at sapilitang inokupa ang mga pabahay ng National Housing Authority.
Nag-martsa patungong Villa Luis, Bureau of Jail Management and Penology Village, sa Pandi at San Jose Del Monte Heights, San Jose Del Monte City, simula noong Martes na nagtapos naman kahapon.
Ang Villa Luis at BJMP Village ay bahagi ng socialized housing project ng gobyerno para sa mga sundalo at pulis.
Ayon kay Gloria Arellano, National Chairperson ng Kadamay, itinaon nila sa International Women’s Day ang pag-okupa sa mga pabahay upang mabigyan ng tahanan ang mga mahirap na nanay.
Ito’y bilang protesta sa kabiguan ng Duterte Administration at Housing and Urban Development Coordinating Council na mabigyan ng maayos at disenteng pabahay ang mga mahirap.
Hindi anya makatarungan ang pagnanais ng gobyerno na gawing negosyo ang housing sector o singilin ang taumbayan sa kahit na lugmok na sa kahirapan.
By: Drew Nacino