Ipinaaaresto ni Defense Secretary at Martial Law Administrator Delfin Lorenzana ang may 125 miyembro ng ISIS inspired Maute Terrorist Group na siyang nanguna sa pagkubkob sa Marawi City.
Ito’y ayon kay NBI Spokesman Deputy Director Ferdinand Lavin ay batay na rin sa inilabas na arrest order ni Lorenzana dahil sa kasong rebelyon.
Siyamnapu’t lima mula sa naturang bilang ang tukoy na ang pagkakakilanlan habang 30 sa mga ito ay nagtataglay lamang ng mga alyas.
Kasunod nito, magsasanib puwersa ang NBI, Armed Forces of the Philippines at pambansang pulisya para arestuhin ang mga miyembro ng teroristang grupo.
Sa ilalim ng saligang batas, kinakailangang masampahan ng kaso sa loob ng tatlong araw ang sinumang maaaresto sa ilalim ng Martial Law kung hindi, dapat itong palayain.
By: Jaymark Dagala