Pinayagan ng Moro Islamic Liberation Front o MILF ang kanilang mga miyembrong bumoto sa barangay at Sangguniang Kabataan o SK elections.
Ayon kay Von Al Haq, Spokesman ng MILF military wing, pinayagan rin ng kanilang liderato ang paglalagay ng mga presinto sa loob ng kanilang kampo para sa eleksyon.
Gayunman, nilinaw ni Al Haq na boluntaryo lamang ang pagboto sa panig ng kanilang mga miyembro.
Nauna nang sinabi ni MILF Vice Chairman Ghadzali Jaafar na makakalahok lamang sila sa eleksyon kapag naitatag na ang bagong Bangsamoro Entity sa pamamagitan ng Bangsamoro Basic Law o BBL.
—-