Hindi exempted sa training ang sinumang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front na ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa harap ng inaasahang pagsasabatas ng panukalang Bangsamoro Basic Law.
Ayon kay Roque, wala namang Special Police Force sa B.B.L. kasunod ng pagtutol mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na Bangsamoro Police at Bangsamoro Armed Forces na inihirit ng Bangsamoro Transition Council (BTC).
Mayroon na anyang napagkasunduan hinggil rito ang ehekutibo at B.T.C. na pumayag naman sa kagustuhan ng Pangulo.
Idinagdag ni Roque na dapat ding tingnan ang kuwalipikasyon ng mga magiging bahagi ng police at military organization na nasa ilalim ng pangangasiwa ng P.N.P. at A.F.P.