Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang mga miyembro ng Malacañang Press Club (MPC) sa pagpapalaganap ng mahahalagang impormasyon sa publiko.
Ayon sa Pangulong Marcos, mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga mamamahayag sa paghahatid ng balita upang malaman ang mga kaganapan sa loob at labas ng bansa partikular na Malacañang.
Ikinatuwa din ng Pangulo ang dedikasyon ng Malacañang reporters na matiyagang naghahatid ng mga impormasyon sa araw-araw na ginagawa ng mga ahensya ng gobyerno.