Nananatili sa halos apat na libo (4,000) na lamang ang mga miyembro ng NPA o New People’s Army.
Ganito rin ang bilang ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) PIO Chief Brigadier General Restituto Padilla ang bilang ng mga hawak na armas ng mga rebeldeng komunista.
Bukod dito, ipinabatid sa DWIZ ni Padilla na maraming miyembro ng NPA ang dismayado na sa mga nangyayari sa NPA.
“Hindi na po sila gaano tumataas at in fact sa dami po ng sumu-surrender at sa nakukuha nating feedback ay marami sa kanilang warriors sa bundok ay pagod na at nalo-low morale na sa mga nangyayari dahil hindi nagiging tugma yung mga anunsyo ng kanilang liderato at yung takbo ng gusto nilang mangyari para sa bansa, so nagiging contrary na yung mga nakikita nilang gustong mangyari sa mga ginagawang actual activities ng grupo.” Ani Padilla
Dahil dito, sinabi ni Padilla na inaasahan nilang mas marami pang mga rebelde ang susuko sa gobyerno.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla
By Judith Larino | Karambola (Interview)