Hinikayat ni Retired Brigadier General Joselito Kakilala ang mga miyembro ng PMA Class 2006 na lumantad na at magsalita hinggil sa sinasabing panre-recruit sa kanilang klase para maglunsad ng kudeta.
Ayon kay Kakilala, ito na ang pinakamainam na paraan upang matuldukan na ang isyu.
Lumaki ang isyu makaraang mag-komento si Kakilala sa FB post hinggil sa di umano’y kudeta subalit tinanggal rin niya ito makaraang mapagsabihan siya na fake news ang naturang artikulo.
Una nang tiniyak ni AFP o Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Eduardo Año sa budget hearing ng Kamara na walang banta ng kudeta sa pamahalaan.
“Maiging magsalita sila at the same time i-deny na may a certain ‘Captain Popoy’ as a member of their class, if ever there’s a Captain Popoy, come out in the open, magsalita rin siya… pinabulaanan na yan ni General Año, na walang destabilization plot.” Pahayag ni Kakilala
(Ratsada Balita Interview)