Nagsagawa ng pulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilang miyembro ng 4Ps recipients na Samahan ng Nagkakaisang Pamilyang Pantawid (SNPP).
Layunin nito na mabigyang linaw ang mga katanungan at agam-agam ng mga benepisyaryo sa napipintong pag-exit ng 1.3 milyong households sa 4Ps batay na rin sa isinagawang assessment ng kagawaran.
Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, dadaan sa tamang proseso ang pag-graduate ng mga benepisyaryo na itinuturing na “non-poor” kung saan titiyaking may kakayahan na silang tumayo sa kanilang sariling paa.
Dagdag pa nito na makakaasa ang mga miyembro na mag-e-exit na iuugnay sila sa iba pang programa ng DSWD at iba pang ahensya.