Siyam (9) ang naitalang nasawi sa nangyaring barilan sa pagitan ng mga Indianong sundalo at ng isang Pakistan-based Islamist group sa bayan ng Pulwama, sa Kashmir, India, kahapon.
Pinag-ugatan umano ng naturang pag-atake ang nangyaring suicide bombing noong nakaraang linggo na ikinasawi ng 40 Indianong militar.
Ayon sa pulisya, kabilang sa siyam na nasawi ay apat na Indianong sundalo, isang pulis, isang sibilyan at tatlong militante na miyembro umano ng Pakistan-based group Jaish-e-Mohammad na sinasabing nasa likod ng suicide bombing noong nakaraang linggo.
Gayunman, patuloy pa rin ang pagtanggi ng Pakistan sa akusasyon ng India na sila ang may pakana ng mga pagbobombang naganap noong nakaraang linggo.
—-