Limang miyembro umano ng robbery gang ang patay makaraang makipag-barilan sa mga pulis sa loob ng isang hotel sa Pozorrubio, Pangasinan.
Ayon kay Pangasinan Provincial Police Director, Senior Supt. Ronald Oliver Lee, naganap ang insidente sa barangay Poblacion Dos kung saan dalawang kwarto ang inupahan ng mga hindi pa nakikilalang salarin.
Nagsuspetsa anya ang hotel owner nang makita ang mga armadong lalaki kaya’t agad nagsumbong sa mga pulis at matapos ang surveillance operation, sinalakay ng mga otoridad ang kwarto ng mga salarin.
Narekober naman mula sa naturang lugar ang isang itim na Sports Utility Vehicle na ninakaw ng grupo sa Dagupan City, noong Huwebes.
Sinasabing sangkot ang mga hinihinalang hold upper sa anim na insidente ng robbery sa lalawigan at nag-o-operate sa Central Luzon at CALABARZON.