May solusyon na ang MMDA o Metro Manila Development Authority para tuldukan ang maliligayang araw ng mga tiwali nilang tauhan.
Ito’y makaraang ulanin ng reklamo ang MMDA dahil sa mga insidente ng pangongotong tuwing gabi ng mga MMDA constable partikular na sa mga truck driver.
Ayon kay MMDA OIC – General Manager Tim Orbos, babawasan na nila sa kalahati ang 700 mga traffic enforcers na magdu-duty tuwing gabi.
Umapela rin si Orbos na idulog agad sa kanilang tanggapan ang mga nakatambay na traffic enforcers sa gabi dahil ito aniya ang oras kung kailan talamak ang kurapsyon at pangongotong.
By Jaymark Dagala