Muling itatayo ang ilang mosque na nawasak matapos lusubin ng mga terorista ang lungsod ng Marawi noong 2017.
Ayon kay Task Force Bangon Marawi Chairperson Eduardo del Rosario, kukumpunihin ang tatlong mosque sa pamamagitan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at ilang private developers.
Sinabi ni Del Rosario na ito ang unang pagkakataon na maglalaan ang housing department ng escrow funds na nagkakahalaga ng P32.14 milyon.