Sarado ang mga mosque sa buong bansa sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan.
Ito’y bilang pagsunod ng mga kapatid na Muslim sa panuntunan ng pamahalaan sa pagbabawal sa mga malakihang pagtitipon dahil sa banta ng COVID-19.
Dahil dito wala munang congregational prayer ang mga kapatid na Muslim sa mga mosque o saan mang open space.
Sa halip nagdasal na lamang ang mga ito sa kani-kanilang bahay.
Habang ang iba ay idinaan sa pamamahagi ng relief goods ang pagdiriwang ng Eid’l Fitr.