Nakipagtulungan na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa Department of Labor and Employment upang magkaloob ng kabuhayan sa mga driver ng motorcycle ride sharing application na Angkas.
Maraming mga driver ang nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng Angkas sa Metro Manila, epektibo ngayong araw.
Ayon kay L.T.F.R.B. board member at Spokesperson, Atty. Aileen Lizada, kakausapin nila ang mga driver ng app-based transport service maging ang mga habal-habal driver upang talakayin ang issue.
Isang job fair din ang isasagawa sa pangunguna ng LTFRB katuwang ang DOLE kung saan kabilang sa mga maaaring i-alok ang trabahong gaya ng delivery service para sa mga fastfood at courier.
Magugunitang ipinasara ng LTFRB at Makati Local Government tanggapan ang Angkas dahil sa kawalan ng mga kaukulang permit upang makapag-operate.