Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga otorisadong drayber para sa motorcycle taxi pilot run.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), simula kahapon pumalo na sa 1, 877 ang authorized riders ng MoveIt.
Habang 6, 907 sa JoyRide at 7,471 naman para sa Angkas.
Maituturing lamang na otorisado ang isang rider kung ito ay nakatugon sa documentary at regulatory requirement ng Technical Working Group kabilang ang kumpletong pangalan at contact number ng rider, at full registration ng motorsiklo.