Pinayuhan ng MMDA ang mga motorista at pasahero na dagdagan ang pasensya sa inaasahang matinding traffic sa Metro Manila ngayong araw na ito.
Ito ayon kay MMDA Edsa Traffic Head Bong Nebrija ay dahil sa kanselasyon ng number coding scheme sa provincial buses sa Metro Manila mga motorcade sa ilang bahagi ng EDSA, political rallies at posibleng maulang panahon.
Sinabi ni Nebrija na hindi niya layong takutin ang publiko sa babalang ito subalit para asahan na ang ilang pangyayari ngayong araw na ito na pwedeng maging dahilan ng mabagal na daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.
Gayunman ipinabatid ni Nebrija na ordinaryong araw lamang ang turing nila sa araw na ito kung kailan sila nagtalaga ng mahigit 1,000 traffic enforcers sa buong Metro Manila at mahigit 100 naman sa EDSA.