Bumabagal na ang daloy ng trapiko sa North Luzon Expressway (NLEX) habang patuloy ang dagsa ng mga motoristang umuuwi sa kani-kanilang mga probinsya.
Ayon sa monitoring ng Toll Regulatory Board (TRB), pasado alas otso trenta y dos ng umaga ay mabigat na ang daloy ng trapiko sa NLEX Balintawak.
Usad pagong na rin ang mga sasakyan pagdating sa Mindanao Avenue.
Bahagya namang bibilis ang daloy ng trapiko sa Alabang Viaduct.
Patuloy pa rin ang pag babantay ng mga otoridad sa mga motoristang bumabiyahe ngayong araw.