Pinarerepaso ni Senate Committee on Public Services Chairperson at Senadora Grace Poe sa Department of Transportation (DOTr) ang proseso ng cashless payment system sa mga tollway.
Ito’y ayon sa Senadora ay upang matiyak na hindi na magkakamali sa pagkuwenta sa toll na siyang ikalulugi ng maraming mga motoristang dumaraan doon.
Giit ni Poe, hindi dapat magdusa ang mga motorista sa kanilang pagsunod sa regulasyon ng gobyerno na gawing cashless na ang transaksyon sa mga tollway.
Dapat aniyang tinitingnan ng DOTr ang aspeto ng balanse sa radio frequency identification (RFID) habang ipinamamahagi ito ng libre sa mga motorista at kung may posibleng singil sa paglo-load dito.
Binigyang diin ng Senadora, dapat tiyakin ng gobyerno na hindi papasanin ng mga motorista ang maintaining balance para sa RFID at hindi rin dapat kumplikado ang pagkuha rito.