Maraming motorista ang itinaboy ng mga otoridad sa checkpoint sa border ng Tagatay City sa Cavite at Talisay, Batangas.
Bago sumikat ang araw, ilang motorista ang hindi pinayagang pumasok sa Tagaytay at napuwersang bumalik sa kanilang pinanggaliangan dahil hindi sila Authorized Persons Outside Residence (APOR) at bahagi pa rin ng curfew.
Ang checkpoint ay itinayo —3-kilometro mula sa Barangay San Guillermo sa Talisay.
Pagtigil sa checkpoint, ang mga motorista ay hinihingan ng ID o mga dokumentong magpapatunay na sila ay APOR at sabihin ang dahilan nang pagbiyahe nila bago payagang pumasok ng Cavite na bahagi ng NCR Plus bubble.
Nahuli naman ang isang lalaki na may sakay sa tricycle na isang menor de edad at nagsabi itong galing silang Tanauan, Batangas at pauwi ng Silang, Cavite subalit pinayagan na ring makadaan for humanitarian reasons.
Ang Batangas ay hindi bahagi ng NCR Plus.