Pinaghahanda ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista kaugnay sa lalo pang pagbigat ng daloy ng trapiko.
Kasabay ito ng pagbubukas ng marami pang paaralan kabilang ang private schools at paglabas ng mas maraming estudyante.
Ayon kay Traffic Discipline Office head Cris Saroca, dadagdagan nila ang bubuksang ruta na pinayagan ng LTFRB, na inaasahang makakaapekto sa bilang ng mga sasakyan sa lansangan.
Sa Lunes posibleng bumigat ang daloy ng trapiko lalo’t marami ang umuwi sa probinsya bilang paggunita ng National Heroes Day.