Nagbabala ang Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) laban sa mga motoristang lalabag sa quarantine protocols.
Ito’y matapos isailalim muli sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila at karatig lalawigan.
Ayon kay PNP-HPG Director P/Col. Wilson Doromal, may mga mata silang nakakalat sa lahat ng mga lansangan sa Metro Manila kaya’t walang takas ang mga pasaway.
Kanina, nagsagawa ng supresang inspeksyon ang hpg sa EDSA kung saan, pinara nila ang ilang piling mga sasakyan, hinanapan ng id at tinanong kung para saan ang biyahe nila.
Dahil bawal bumiyahe ang mga pampublikong sasakyan ngayong MECQ, sinabi ni Doromal na titiyakin nilang walang makabibiyaheng taxi, uv express, bus at jeepney sa mga lansangan.