Aarestuhin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motoristang magpapatakbo nang mabilis o higit pa sa speed limit ngayong tag-ulan.
Ayon kay MMDA general manager Frisco San Juan Jr., mas magiging aktibo ang mga tauhan ng ahensya sa paghuli ng mga pasaway na motorista.
Samantala, wala pang inilalabas na desisyon ang ahensya hinggil sa proposal na bagong number coding scheme na layong bawasan ang bilang ng mga sasakyang dumadaan sa pangunahing kalsada sa Metro Manila.