Dumagsa ang mga motorista na papasok ng Metro Manila sa unang araw nang pagbabalik sa trabaho sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) at modified enhanced community quarantine (MECQ).
Sa boundary ng San Pedro City sa Laguna at Muntinlupa City, umabot sa tatlong kilometro hanggang apat na kilometro ang pila ng mga sasakyan dahil isa isang tinitingnan ang laman ng mga sasakyan.
Ang mga lalabas naman patungong Metro Manila ay dapat na mayruong maipakitang certification mula sa kanilang pinagta trabahuhang kumpanya na magpapatunay na sila ay papasok na sa trabaho.
Mahigpit ding binubusisi kung nasuusnod ang social distancing sa mga sasakyan.
Ganito rin ang naging sitwasyon sa boundary ng Cainta at Marikina sa Marcos highway at maging sa bounday ng San Mateo, Rizal at Quezon City.
Nagdagsaan din ang mga sasakyan galing sa North Luzon Expressway patungong Metro Manila.