Bago ang coronation night ng Miss Universe beauty pageant ay nakatakdang mag-courtesy call muna ang mga beauty contestants kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi sa DWIZ ni Dept. of Tourism Asst. Secretary Ricky Alegre na nakatakdang magtungo sa Malacanang sa January 23 ang lahat ng mga kandidata ng Miss Universe para makipagkita sa Presidente.
Ayon kay Alegre, masyadong hectic na ang schedule ng Miss Universe contestants habang nalalapit ang coronation night sa January 30.
Marami sa mga contestants aniya ang excited na makita at makaharap ng personal si Pangulong Duterte.
Katunayan ayon kay Alegre, isa sa mga kandidata ang nag-post sa kanyang social media account ng kanyang larawan kasama si dating Governor Chavit Singson sa pag-aakalang si Pangulong Duterte ang kanyang nakaharap.
By: Aileen Taliping