Pinagbibitiw ni House Deputy Speaker Luis Raymund “Lray” Villafuerte sa majority ang mga miyembro nila na bumawi ng kanilang yes vote sa anti-terror bill.
Ayon kay Villafuerte, kung idinikta ng kanilang konsensya na bawiin ang kanilang yes vote dapat ay makonsensya at magkaroon rin sila ng dignidad na umalis sa mayorya at sa posisyon o chairmanship na kanilang hinahawakan.
Wala anyang idinikta ang majority coalition na dapat maging boto ng bawat miyembro subalit, dapat maging disente ang bawat myembro na umalis na lang kung taliwas sa pinagka isahang suportahang posisyon ang kanyang stand sa isang isyu o panukala.
Wala rin anyang bisa ang pagbawi ng yes vote sa pamamagitan lamang ng pag-anunsyo nito sa publiko dahil kailangan itong mairehistro sa plenaryo.