Maaari nang mag-apply online ng loan ang mga miyembro ng Government Service Insurance System (GSIS).
Ayon kay GSIS General Manager Rolando Macasaet, magsisimula nang tumanggap ng aplikasyon online para sa consolidated loan o conso-loan, policy loan at pension loan.
Habang iaanunsyo naman kung kailan tatanggap ng aplikasyon para sa emergency loan.
Sa mga nais umanong mag-apply ng loan online, maaaring mag download ng form mula sa GSIS website, sagutan ng mga kinakailangang impormasyon at i- email sa GSIS.