Bahagyang nagkatensyon sa harap ng Camp Bagong Diwa makaraang harangin ng mga tauhan ng Civil Disturbance Management Unit (CDM) ang mga miyembro ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP).
Ito’y makaraang tangkain ng mga grupo ng mga mamamahayag na maglabas ng kanilang saloobin kasabay ng pagbasa ng sakdal laban sa mga akusado ng Ampatuan Massacre sa QC RTC Annex na nasa loob ng kampo.
Ayon kay Len Olea ng Bulatlat online news at miyembro ng NUJP, nais lamang nilang ipanawagan sa Korte na igawad ang guilty verdict sa mga akusado dahil sa pagsupil sa kalayaan sa pamamahayag nang patayin nila ang 32 mamamahayag.
Pero sa halip na pagbigyan, hinarang pa ng mga tauhan ng CDM ang grupo, pinagtabuyan pa sila at saka hinarangan ang harapan ng entrada upang hindi na pagbigyan ang sinumang magtatangkang maghayag ng saloobin.