Inihayag ng Philippine General Hospital (PGH) na hindi na isasailalim sa quarantine ang mga healthcare workers na na-expose sa COVID-19 at walang sintomas.
Ito ang kinumpirma ni PGH Spokesperson Dr. Jonas Del Rosario, na nasa 40% workforce ang naapektuhan, nahawa o na-expose sa COVID-19 sa nasabing ospital.
Dagdag pa ni Del Rosario, hindi kaya ng ospital na i-quarantine ang mga empleyado, doktor, nars, at mga kawani dahil walang sinuman ang mangangasiwa sa mga serbisyo ng pagamutan.
Sa huling tala, nasa 255 sa 2,000 COVID frontliners sa PGH ang nagkasakit habang umabot naman sa 51% ang ICU bed occupancy sa National Capital Region (NCR) mula sa 25% lang noong nakaraang linggo. —sa panulat ni Kim Gomez