Dapat sumailalim sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) test ang mga na-expose o nakasalamuha ng taong tinamaan ng virus may sintomas man o wala.
Ito’y ayon sa World Health Organization (WHO) makaraang igiit ng mga health authority sa Estados Unidos na hindi na ito kailangan.
Nabatid ng WHO na maaaring makapag-transmit o makapanghawa ng virus ang mga may sintomas, gayundin anila ang mga hindi nakararamdam ng anumang saintomas.
Nauna rito, binigyang diin ng Centers for Disease Control and Prevention ng Estados Unidos na sa pagitan ng 40% hanggang sa 50% ng mga COVID-19 patients ay asymptomatic, kung kaya’t mahalaga ang pagsailalim sa COVID-19 testing para mapigil ang pagkalat pa ng nakamamatay na virus.