Makakauwi na sa kani–kanilang mga pamilya ang mga na istranded sa ilang mga pantalan sa bansa dahil sa bagyong Ursula.
Ayon kay sa Philippine Coast Guard, pinayagan na nilang maglayag ang mga sasakyang pandagat sa ilang pantalan sa probinsya ng Cebu at sa Cebu City kasunod ng pag ganda ng panahon.
Gayundin ang mga pantalan sa Camotes Island, Bohol, Negros Oriental, Siquijor, Leyte, Biliran at Samar.
Matatandaang libu–libong mga pasahero ang sinalubong ang pasko sa mga pantalan dahil sa masamang panahon.