Bahagyang tumaas ang COVID-19 admissions sa mga pribadong ospital.
Gayunman, nilinaw ng Private Hospital Association of the Philippines Incorporated (PHAPI) na nananatiling “manageable” ang hospitalization utilization rate sa kabila ng local transmission ng Omicron subvariant.
Ayon kay PHAPI President Dr. Jose Rene De Grano, hindi pa naman dapat ikabahala ang bahagyang pagtaas ng hospital admission dahil karamihan sa mga symptomatic patient ay hindi severe o critical.
Mayo 17 nang kumpirmahin ng Department of Health (DOH) naka-detect ito ng local transmission ng mas nakahahawang Omicron subvariant BA.2.12.1 sa bansa.
Iniulat din ng DOH tumaas sa 1.25 ang COVID-19 reproduction rate sa Metro Manila noong may 23 kumpara sa 1.05 noong May 13 hanggang 19.