Umaapela ng tulong kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga muslim pilgrim mula sa iba’t ibang lugar sa mindanao na na-stranded sa Metro Manila para mabigyan ng special flight papuntang Saudi Arabia.
Ayon kay Commissioner Yusoph Mando ng National Commission on Muslim Filipinos, unang naantala noong June 19 ang biyahe ng mga pilgrim matapos na hindi dumating ang visa ng mga ito.
Mahigit 3K pilgrims naman aniya ang agad na naasikaso at nabigyan ng visa kung saan higit 2K na rin ang naka-alis.
Pero, problema aniya ang nasa 1K pang muslim pilgrims na walang masasakyang eroplano, kaya’t kailangan umano ng special flight para ma-accommodate ang mga ito.
Samantala, sinabi ni Mando na dapat makarating sa saudi arabia ang mga naturang indibidwal bago ang katapusan ng hunyo, na taunang tradisyon ng mga muslim ang pagdalo o paglalakbay sa Mecca at Madinah bilang bahagi ng limang haligi ng paniniwalang Islam.