Itinanggi ng Malacañang na hindi mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang mga na-stranded sa Pasay City.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga nakitang nakasilong sa ilalim ng tulay sa nasabing lungsod ay mga lokal na indibidwal na nag-aabang din ng kanilang flight pauwi.
Ani Roque, binibigyan ng VIP treatment ang mga OFWs na umuwi sa bansa.
Walang aniyang OFWs na natutulog sa ilalim ng tulay dahil lahat ng mga ito ay naka-hotel na binabayaran ng gobyerno at maging pamasahe ng mga ito ay libre umano.