Tatlumpu (30%) hanggang 40% na bumaba ang naa-admit na coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients sa San Lazaro Hospital sa nakalipas na isang linggo na.
Ayon ito kay Dr. Rontgene Solante, head ng infectious disease department ng San Lazaro Hospital, ay patunay na gumaganda ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) response ng gobyerno.
Kritikal aniya ang sitwasyon sa nakalipas na dalawang linggo kung kailan maraming pasyente ang dinadala pa sa mga ospital sa mga lalawigan para magamot dahil punuan na sa mga ospital sa Metro Manila.
For the past weeks malaki ang pagbaba ng mga kaso especially dito sa hospital natin, sa government hospital, sa San Lazaro Hospital. Nabawasan siguro ng gma 30-40% ang mga naadmit, ang mga severe to critical,” ani Solante. —sa panayam ni Balitang Todong Lakas