Nadagdagan pa ang bilang ng mga naaaresto ng Philippine National Police o PNP dahil sa paglabag sa umiiral na gun ban para sa Halalan 2022.
Batay sa datos ng PNP ngayong Lunes, Enero a-24 ay nasa 343 na ang kabuuang bilang ng mga nahuling lumabag sa pinaiiiral na gun ban.
Ito’y matapos madagdagan ng 25 bagong nahuli ng Pulisya sa nakalipas na magdamag mula sa 3,688 na inilatag na checkpoint.
Sa nasabing bilang ay nasa 23 rito ang sibilyan at 2 naman ang Security Guard na nahulihan ng baril na labas sa kanilang duty.
Nakumpiska rito ang nasa 16 na mga armas habang nasa 52 naman ang mga nakumpiskang nakamamatay na bagay at mga balagumaling. - ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)