Tiniyak ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na hindi pababayaan ng pamahalaan ang mga naapektuhan ng landslide at mudslide sa cordillera partikular na sa Ifugao matapos ang naranasang malalakas na pag-ulan dulot ng Low Pressurre area (LPA) at hanging habagat.
Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal, patuloy ang operasyon ng pamahalaan sa pagtugon sa mga apektadong residente kung saan, umabot na sa P2.4 million na halaga ng assistance ang naipamahagi na sa lugar.
Kabilang sa mga ipinamahagi ng pamahalaan ang mga family food packs at iba pang items na makakatulong sa kanilang pangangailangan.
Nabatid na umabot sa mahigit isang libong pamilya ang naapektuhan mula sa sampung barangay sa nabanggit na lalawigan na nagsimula naring mag-uwian sa kani-kanilang mga tirahan.