Maaari nang mag-apply ng calamity loan assistance ang mga pensyonado at miyembro ng Social Security System (SSS) na naapektuhan ng magnitude 7 na lindol sa Northern Luzon.
Ayon kay SSS President at CEO Michael Regino, tatagal lang hanggang sa Nobyembre a-14 ang paghahain ng aplikasyon para sa nasabing tulong na binubuo ng calamity loan assistance program (CLAP) para sa mga miyembro at three-month advance pension para sa mga pensyonadong tinamaan ng malakas na pagyanig sa Abra at Mountain Province.
Sinabi ni Regino na ang loan na makukuha ng mga kuwalipikadong miyembro ng SSS ay katumbas ng komputasyon ng kanilang one month salary credit (MSC) batay na rin sa laki ng huling month salary credit o ang halaga ng inaaplayang loan ng mga miyembro ng ahensya.
Maaari namang mag-apply ng calamity loan sa pamamagitan ng my.sss account.