Pinaghahandaan na ng Pilipinas ang posibleng emergency na maaaring abutin ng tatlong buwan sa mga lugar na apektado ng pag-a-alburoto ng Bulkang Mayon sa Albay.
Ito’y makaraang umabot na sa 81,000 ang bilang ng mga nagsilikas dahilan upang magsiksikan ang mga ito sa mga temporary shelter.
Ayon kay N.D.R.R.M.C. Spokesperson Romina Marasigan, maaaring magtagal sa mga evacuation center ang mga apektadong pamilya depende sa sitwasyon at aktibidad ng bulkan.
Bagaman nananatiling sapat ang pagkain at iba pang supplies, lumalaki naman ang pangamba hinggil sa kalusugan ng mga evacuee sa 69 na temporary shelters mula sa danger zone.