Makakakuha ng “generous” separation package ang halos 400 empleyado ng Honda Cars Philippines Incorporated (HCPI) na naapektuhan nang pagsasara ng operasyon nito sa Laguna.
Tiniyak ito ni HCPI external lawyer Aris Santos matapos humarap sa pagdinig ng kamara.
Ipinabatid ni Santos na bawat apektadong empleyado ay makatatanggap ng halos P3-milyong halaga ng suweldo nito kada taon ng serbisyo at isang bagsakan na lump sum na P100,000.
Bukod ditto, sinabi ni Santos na pinalawig din hanggang sa katapusan ng taon ang health maintenance organization (HMO), kahit pa magsasara na ang planta ng Honda Cars sa March 25.