Nakalabas na ng ospital ang karamihan sa halos 100 residente ng Navotas City na naapektuhan ng ammonia leak mula sa isang planta ng yelo sa naturang lungsod.
Ipinabatid ni Vonne Villanueva, opisyal ng Navotas City Disaster Risk Reduction and Management na 67 na ang na-discharge sa ospital matapos bumuti ang kanilang kondisyon samantalang 22 pa ang naka-confine kung saan lima ang nasa kritikal na kondisyon.
Magugunitang isa ang nasawi sa nasabing ammonia leak sa TP Marcelo ice plant and cold storage.