Umakyat na sa walumpu (80) ang bilang ng mga naarestong indibidwal dahil sa paglabag sa election gun ban.
Sa tala ng Election Monitoring Center ng Philippine National Police (PNP), pumalo na sa 60 baril at mahigit 200 patalim ang nakumpiska sa mga inilatag na checkpoints.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Superintendent Wilben Mayor, ang mga lumabag sa gun ban ay maaaring mapatawan ng hanggang anim na taong pagkakabilanggo.
Sinasabing ang mga nasa public service naman ay posibleng masibak sa serbisyo at maharap sa perpetual disqualification.
Mula nang pumasok ang election period ay mahigit 4,000 checkpoints na ang nailatag ng PNP sa iba’t ibang panig ng bansa.
By Jelbert Perdez