Umabot na sa 266 katao ang naaresto ng mga otoridad na lumabag sa pagpapatupad ng liquor ban.
Ayon kay NCRPO Dir. Gen. Guillermo Eleazar, ang naturang bilang ay nadakip sa iba’t ibang operasyong inilunsad sa kalakhang Maynila.
Pinaka-marami aniyang naitalang lumabag sa Quezon City kung saan nasa 186 ang nahuli.
Nagsimula ang pagpapatupad ng liquor ban alas dose uno kaninang madaling araw at magtatagal hanggang alas dose ng, Lunes ng madaling araw, Mayo 13.
Ilang establisyemento sa Metro Manila nakakuha ng exemption sa liquor ban
Nakakuha ng exemption mula sa commission on elections (Comelec) ang ilang establisyemento sa Metro Manila mula sa ipinatupad na liquor ban.
Ito sa gitna ng implementasyon kaugnay sa eleksyon.
Ayon kay NCRPO Police Chief Guillermo Eleazar, nag-isyu ng exemption ang Comelec para sa mga bar na kadalasang pinupuntahan ng mga dayuhang turista.
Sakop lamang umano ng exemption ang mga dayuhan, ibig sabihin sila lamang ang maaaring bentahan ng alak.
Ngunit nilinaw ni Eleazar na paglabag pa rin sa naturang ordinansa kung magbebenta ng alak sa dayuhan kahit walang exemption notice na nakuha mula sa Comelec.